^

Metro

Ampatuan at Ivler magsasama sa kulungan

-

MANILA, Philippines - Kapwa may kasong murder sina Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at Jason Ivler, na posibleng pag­samahin sa National Bureau of Investigation (NBI) deten­tion cell sa oras na makalabas na ang huli sa ospital.

“We only have one NBI jail. We don’t have any other detention facility. So definitely, he will be detained at the NBI jail after his discharge from the hospital,” ayon kay NBI Director Nestor Mantaring.

Handa naman ang NBI na tanggapin ang anumang reklamo hinggil sa mga alingasngas na hindi makatao ang ginawang pag-aresto kay Ivler.

Samantala, pormal na­mang ipinagkaloob kahapon sa impor­mante ang P500,000 na pabuya sa pagbibigay ng epektibong impormasyon kaya naaresto si Ivler.

Nagmula ang salapi kay Undersecretary Renato Victor Ebarle Sr., ang ama ng napatay ni Ivler dahil lamang sa away-trapiko noong Nob. 18.

Ani Mantaring si National Capital Region Police Office Director General Roberto Rosales ang magbibigay, sa Lunes, sa flag-raising cere­mony ng P500,000 para sa kabuuang P1-milyon reward money.

Hindi pinagsalita o ipina­kita sa media ang hitsura ng impor­mante na nakasuot ng itim na jacket at balot ng bonnet ang ulo at mukha. (Ludy Bermudo)

ANI MANTARING

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DIRECTOR NESTOR MANTARING

IVLER

JASON IVLER

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR GENERAL ROBERTO ROSALES

SHY

UNDERSECRETARY RENATO VICTOR EBARLE SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with