^

Metro

Ayuda ng Amerika hihingin ng ina ni Jason

-

MANILA, Philippines - Hihingi umano ng ayuda si Marlene Aguilar-Pollard, ina ni Jason Ivler sa emba­hada ng Amerika para tulu­ngan ang anak sa proble­mang kinaka­harap nito sa ka­sa­lukuyan.

Reaksyon ito ni Aguilar nang muli siyang dumalaw sa anak na si Jason sa Quezon City Memorial Medical Center (QCMMC) kahapon ng umaga kasama ang kanyang asawang British National na si Stephen Pollard.

Sa panawagan ni Marlene sa US embassy, iginiit nito na bilang dati nilang sundalo at American citizen na naki­pag­la­ban sa Iraq nagsu­sumamo siyang tulungan ang anak sa problemang kinaka­harap nito.

Tanging ang tulong galing lamang umano sa nasabing bansa ang kanilang tiyansa para maibsan ang pasaning dinadala ng kanilang anak.

Bukod dito, naglabas din ng sama ng loob si Marlene ka­ugnay sa lumabas ng video sa Youtube na nagpapakita ng umano’y pagmamaltrato  ng ahente ng NBI sa kanyang anak kahit ito ay sugatan at naaresto na nila.

Ayon kay Marlene, tina­trato umanong parang hayop si Ivler habang sugatang isinasakay sa sasakyan, bukod pa dito ang pag­hampas ng baril sa mukha ng kanyang anak habang tina­tadyakan ang tiyan nito ma­tapos na maaresto. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AGUILAR

AMERIKA

BRITISH NATIONAL

JASON IVLER

MARLENE

MARLENE AGUILAR-POLLARD

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

RICKY TULIPAT

SHY

STEPHEN POLLARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with