^

Metro

8 anyos inatake ng K 9 dog sa hotel

-

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng isang ama sa mga awtoridad na higpi­tan at i-regulate ang K-9 ope­ration at sanaying mabuti ang kanilang mga handler para na rin maprotektahan ang publiko.

Ito’y matapos na isa namang 8-anyos na batang babae ang inatake ng bomb sniffing Belgian Mallinois sa isang malapit sa NAIA 3 noong na­karaang linggo.

Nakatakdang magharap ng kaso laban sa hotel si Jose Andres Diaz, regional execu­tive director ng DENR-NCR, ama ng biktima, laban sa hotel na sinasabing nagma­may-ari sa aso.

Sinabi ni Diaz na naunsi­yami ang dapat sana’y ma­saya nilang outing ng pamilya dahil sa insidente.

Binanggit nito na bigla na lamang inatake ng K-9 dog ang kanyang anak na nag­tamo ng laslas at sugat sa puwitan. Kung hindi umano niya naagapang matakpan ang kanyang anak sa su­sunod na atake ay malamang na nahagip na ito sa ulo at leeg.

Base rin sa video clips ng pag-atake ng aso sa kanyang anak na nakunan ng hotel security camera, ang handler ng aso ay masasabing kulang sa kasanayan.

Binanggit pa nito na nakitang nakikipagku­wentu­han ang handler sa isa pang security guard nang atakihin ng hawak nitong aso ang kanyang anak.

Agad na dinala ang bata sa Makati Medical Center na dito ito sumailalim sa medical at psychological treatment. Gayunman ngayon ay dinala uli nila ito sa St. Luke’s Me­dical Center dahil sa lagnat at pamamaga ng bahaging sinakmal. (Katherine Adraneda)

BELGIAN MALLINOIS

BINANGGIT

DIAZ

GAYUNMAN

IGINIIT

JOSE ANDRES DIAZ

KATHERINE ADRANEDA

MAKATI MEDICAL CENTER

SHY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with