^

Metro

2 puganteng Syrian national, tiklo ng BI

-

MANILA, Philippines - Dalawang puganteng Syrian national na may kasong pagpatay sa kanilang bansa ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na nakabase sa Central Luzon.

Sa ulat na nakarating kay BI Commissioner Marcelino Liba­nan ni Immigration Area Di­rector for Central Luzon Hera­nio Manalo, kinilala nito ang mga puganteng sina Alaa Fares at Khaled Mahmoud Diab.

Ang dalawa ay naaresto sa kanilang inuupahang bahay sa Brgy. San Pedro, Sapang Palay, Bulacan at kasalukuyang naka­piit sa BI detention center sa Bicutan habang hinihintay ang ka­ni­lang deportation pro­ceedings.

Ayon kay Manalo, hiniling niya kay Libanan na magpa­labas ng mission order laban sa dalawa dahil na rin sa ka­hilingan ng Syrian con­sulate sa Maynila upang ka­agad ma-deport sa Damascus.

Patuloy namang hinikayat ni Libanan ang publiko na kaagad ipagbigay alam sa malapit na immigration office ang pre­sensiya ng mga illegal o undesirable alien sa ka­nilang lugar.

Base sa Syrian consulate officials, si Fares ay wanted sa Syria dahil sa kasong pag­patay at si Diab ang pangu­nahing testigo sa nasabing kaso. Ang dalawa ay pawang illegal aliens matapos na ikansela ng Syrian govern­ment ang kanilang mga pasaporte. (Gemma Amargo-Garcia)

ALAA FARES

BUREAU OF IMMIGRATION

CENTRAL LUZON

CENTRAL LUZON HERA

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION AREA DI

KHALED MAHMOUD DIAB

LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with