^

Metro

Jason, ina, ida-drug test

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Posibleng isalang sa drug test ang ina ni Jason Aguilar Ivler na si Marlene Aguilar matapos ma­kum­piska ang hinihinalang marijuana sa loob ng tahanan nito noong Lunes sa pagsalakay at pag­ka­ka­aresto sa anak, sa Blue Ridge Subdi­vision sa Quezon City.

Sinabi ni Atty. Angelito Magno, hepe ng NBI-Special Action Unit (SAU), na hini­hintay pa nila ang resulta ng confir­matory labo­ratory test ng nasam­sam na marijuana dahil negatibo ito sa unang lab test.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakapiit pa si Marlene sa NBI, na inaasa­hang makalalaya dahil nila­lakad na umano ng kanyang abogado ang piyansa na P12,000.

Kamakalawa ng gabi nang tuluyang isailalim sa inquest proceedings si Marlene sa Quezon City Prosecutor’s Office sa kasong obstruction of justice dahil sa pagtatago nito sa tunay na kinaro­roonan ng anak.

Nilinaw ng NBI na ang obstruction of justice o Presi­dential Decree 1829 lamang ang naisulong laban kay Mar­lene dahil ang kasong harbor­ing of criminal na isang pag­labag sa ilalim ng Revise Penal Code ay hindi na ini­aplay dahil isang ina si Mar­lene, ng kriminal na itinago niya sa batas.

Nakasuot ng itim na pan­talon at pang-itaas nang harapin ni Marlene ang media at nagpa­hayag habang umi­iyak na, “I have not slept. I have not eaten. I am trauma­tized. My son is still fighting for his life. What­ever Jason did and if Jason dies, I would say this with all humi­lity that I love him very much with all my heart and soul.”

Hindi naman isinabit ng NBI ang dalawang kasam­bahay (katulong) sa kasong obs­truction of justice na kinilalang sina Requiel Fabu­rada at Anthony Espolon.

Inihayag din ni Magno na si Ivler ay isinailalim na sa drug test habang naka-confine sa Quirino Memorial Medical Center kung saan inoobser­bahan ang kondisyon nito matapos maisailalim sa 3 oras na surgical operation dahil sa tama sa bituka at lapay nang gantihan ng mga putok ng NBI agents.

Inihahanda na rin ang karagdagang kaso laban dito na resisting arrest at assault upon person in authority. Isasailalim na rin sa ballistic ang ginamit ni Ivler na M-16 rifle at kalibre.45 pistola na posibleng ginamit din umano sa pag­baril na ikinasawi ni Renato Victor Ebarle Jr. noong Nobyembre 18, 2009.

Kung lalabas umano na hindi lisensiyado ang mga narekober na baril kay Ivler, makakasuhan pa ito ng illegal possession of firearms.

Samantala, doble higpit ang ginagawang pag­babantay kay Ivler sa pagamutan. (Dagdag ulat nina Ricky Tulipat at Angie dela Cruz)

ANGELITO MAGNO

ANTHONY ESPOLON

BLUE RIDGE SUBDI

IVLER

JASON AGUILAR IVLER

MARLENE

MARLENE AGUILAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with