Genuino chairman ng Bigkis-Pinoy

MANILA, Philippines - Agresibong nagliling­kod ngayon ang Bigkis Pinoy partylist-Makati Chapter matapos na ma­upo bilang chairman nito si Erwin Genuino.

Pinangunahan din ni Genuino ang panunumpa ng mga bagong kasapi ng grupo at hinikayat na mas maging matatag ito kung saan pinasalamatan din ng una ang mga dumalo na nagpakita ng kanilang suporta.

Ayon kay Bigkis Pinoy Founding member Virgilio Angelo, mapalad ang ka­nilang grupo sa pagkaka­roon ng tulad ni Genuino na nagsusulong ng ma­gandang adhikain.

Si Genuino ay kilala bilang isang aktibong ka­bataang lider na maraming programang panlipunan at pangkomunidad.

Kandidato rin si Genui­no sa pagkaalkalde sa Makati City at running mate nito si Jobelle Sal­vador.

Show comments