MANILA, Philippines - Hiniling ni Harvey Keh, director ng Ateneo School of Government sa mga taga-Quezon City na huwag ibenta ang kanilang mga boto at isaisip ng wasto ang nararapat na tao na iluluklok sa puwesto sa 2010 local elections.
Ang panawagan ay ginawa ni Keh bilang reaksiyon sa mga report na umanoy paglulustay ng pondo ni dating PNR Secretary Mike Defensor.
Kinuwestyon ni Keh na kung matinding gumastos ng pondo sa kampanya si Defensor, paano niya ito mababawi at sa paanong paraan.
“Wag po tayo padadala sa pera, isipin po natin ang kinabukasan ng ating mga pamilya, tingnan po sana natin ang tunay na tao na nagnanais na magserbisyo ng walang kapalit sa kabila ng mga ginagawa nito,” pahayag ni Keh.
Una nang nagpahayag ng suporta ang grupo ni Keh kay Liberal Party QC-Vice Mayoral candidate Joy Belmonte dahil naniniwala silang malaki ang magagawa nito sa lungsod para maipagpatuloy ang sigla ng ekonomiya at patuloy na mapabuti ang serbisyong bayan. (Angie dela Cruz)