^

Metro

Huwag ibenta ang boto

-

MANILA, Philippines - Hiniling ni Harvey Keh, director ng Ateneo School of Government  sa mga taga-Quezon City na huwag ibenta ang kanilang mga boto at isaisip ng wasto ang nararapat na tao na iluluklok sa puwesto sa 2010 local elections.

Ang panawagan ay ginawa ni Keh bilang reaksiyon sa mga report na umanoy paglulustay ng pondo ni da­ting PNR  Secretary Mike Defensor.

Kinuwestyon ni Keh na kung matinding gumastos ng pondo sa kampanya si Defensor, paano niya ito mababawi at sa paanong paraan.

“Wag po tayo padadala sa pera, isipin po natin ang kinabu­kasan ng ating mga pamilya, tingnan po sana natin ang tunay na tao na nagnanais na magserbisyo ng walang kapalit sa kabila ng mga ginagawa nito,” pahayag ni Keh.

Una nang nagpahayag ng suporta ang grupo ni Keh kay Liberal Party  QC-Vice Mayoral candidate Joy Bel­monte dahil naniniwala silang malaki ang magagawa nito sa lungsod para maipagpatuloy ang sigla ng ekonomiya   at patuloy na mapabuti ang serbisyong bayan. (Angie dela Cruz) 

ANGIE

ATENEO SCHOOL OF GOVERNMENT

HARVEY KEH

JOY BEL

KEH

LIBERAL PARTY

QUEZON CITY

SECRETARY MIKE DEFENSOR

VICE MAYORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with