MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P20 million halaga ng mga ari-arian ang natupok sa nasunog na pabrika ng kemikal kung saan nadamay ang bodega ng National Food Authority sa Valenzuela City na umabot sa 16-oras.
Sa ulat, alas-5 kamakalawa ng hapon nang masunog ang Art Chemical na pag-aari ng isang Wilson Co sa Mulawinan st., Lawang Bato ng lungsod. Mabilis na kumalat ang apoy at dahil pagawaan ng kemikal ay nahirapan ang mga bumbero na apulain ito hanggang sa madamay ang katabing bodega ng NFA.
Nabatid na alas-9 na kahapon ng umaga nang maapula ang apoy kung saan wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Lordeth Bonilla)