^

Metro

Basurero tinodas sa bisperas ng piyesta

-

MANILA, Philippines -  Tinadtad ng saksak ng dalawang nakaaway na holdaper ang isang 40-anyos na basurero na ikinasawi nito matapos makipag-inuman sa mga kapitbahay sa bisperas ng kapistahan ng Poong Sto. Niño sa Binondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Joel Serrano ng 880 K San Antonio St. Tondo, Manila dahil sa tinamong tatlong saksak sa likod at dalawa sa dibdib.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad habang isinusulat ito ang mga suspek na kilala sa alyas “Bunso” at alyas “Lito” na kapwa tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa no. 280 CM Recto Avenue panulukan ng Sevilla St. Barangay 274 Zone 25, Binondo.

Katatapos lamang ng biktima sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kapitbahay sa bahagi ng Tondo dahil bisperas ng piyesta sa kanilang lugar at naisipang magtungo sa kabilang bahagi ng CM Recto. Walang sabi-sabing nilapitan at tinadtad ng saksak ng mga suspek ang biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINONDO

BUNSO

JAY SANTOS

JOEL SERRANO

K SAN ANTONIO ST. TONDO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

POONG STO

RECTO AVENUE

SEVILLA ST. BARANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with