^

Metro

Decentralization ng Immigra­tion, ratsada na

-

MANILA, Philippines - Bilang hakbang sa kam­panya ng Bureau of Immigra­tion (BI) na decentralization nagtalaga ito ng mga opisyal na mamahala sa operasyon ng ahensiya sa Metro Manila, Luzon, Visayas at sa Min­danao.

Dahil dito kayat nilagdaan ni BI Commissioner Marcelino Libanan ang personnel order na nagtatalaga sa Chief ng Immigration Regulation Divi­sion (IRD), alien registration division (ARD) at intelligence division bilang overall im­migration area directors for Luzon, Visayas at Mindanao.

Si IRD chief Edgardo Men­doza ang siyang magsisilbing immigration director for Lu­zon, ARD chief Danilo Almeda for the Visayas; at intelligence chief Faizal Hussin for Mindanao.

Si BI technical staff chief Patch Arbas ang itinalaga naman bilang overall director for Metro Manila habang si  BI executive director Franklin Littaua ang inilagay bilang chairman ng bureau’s decen­tralization and regionalization program.

Nauna nang inilunsad ng BI ang regionalization pro­gram kasabay ng pagtatayo ng immigration area offices (IAOs) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Awtorisado ang IAOs na magsagawa ng serbiyso sa mga dayuhan na katulad ng ginagawa sa BI main office sa Manila at iba pang extension at satellite offices.

Dahil sa regionalization program kayat ang  bureau’s intelligence, legal, enforce­ment, and visa functions ay naibahagi sa iba’t ibang IAOs.

Matatandaan na inapruba­han kamakailan ni Justice Secretary Agnes Devanadera ang rekomendasyon ni Liba­nan na itaas ang bilang ng IAOs mula 10 hanggang 16. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DAHIL

DANILO ALMEDA

EDGARDO MEN

FAIZAL HUSSIN

FRANKLIN LITTAUA

METRO MANILA

SHY

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with