^

Metro

Que­zon City Hall employees may pay adjustment ngayong Enero

-

MANILA, Philippines -  Tatanggap na ng ka­rag­dagang suweldo ang mga regular na kawani ng pamahalaang lungsod ng Quezon ngayong Enero.

Ito ay matapos iutos ni Mayor Feliciano Bel­monte Jr. na ihanda na ang pay adjustment no­tice para sa mga City Hall employee ngayong buwan.

Ang salary adjust­ment ng mga empleyado ng City Hall ay magsisi­mula nga­yong Enero 1 na alin­sunod sa Execu­tive Order 811 na nilag­daan ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo no­ong Hunyo 17, 2009.

Sa ilalim ng kautusan, ang salary rate ng local government personnel ay tutukuyin ng Sanggunian o City Council kung saan pagbabasehan ang pi­nan­syal at kita ng pama­ha­laang lungsod. Ang salary rates ng mga LGU em­ployees ay hindi dapat so­sobra sa kabuuang per­sonal services cost ng lokal na pamahalaan.

Ang pagbibigay ng unang bugso ng salary adjustment ng mga state workers sa QC Hall ay na­isama na sa 2010 QC appropriation o city budget.

Sinabi ni Belmonte na ang karagdagang suwel­do sa mga empleyado ng QC Hall ay makatutulong na matugunan ang ka­nilang pang-araw-araw na pa­nga­ngailangan lalo na nga­yong panahon ng krisis.

Bukod sa pay adjust­ment, nakatakda ring tu­manggap ang mga regular na kawani ng City Hall ng karagdagang be­nepisyo ngayong buwan, kabilang din ang mga nasa ilalim ng contract of services.

Ang insentibong ibi­bigay ngayong buwan ay katumbas ng 50% na basic salary ngayong Enero 1, 2010 ng isang empleyado ng City Hall. Samantalang ang pro­duc­tivity bonus at service reward ay hindi lalampas sa P2,000.

vuukle comment

BELMONTE

BUKOD

CITY

CITY COUNCIL

CITY HALL

ENERO

GLORIA MACAPA

MAYOR FELICIANO BEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with