Matatanda sa QC, bibigyan ng trabaho
MANILA, Philippines - Nais ni Liberal Party QC-Vice Mayoral candidate Joy Belmonte na maging aktibo at maparamdam sa mga matatanda sa lungsod na kailangan pa ang kanilang galing at talino sa kanilang komunidad na ginagalawan.
Ayon kay Belmonte, inalam ngayon ng tanggapan ang bilang ng mga elderly sa QC at ang maaaring ibigay na trabaho ng mga ito upang kahit retired na sila sa mga pinapasukang opisina ay magagamit pa rin ang kanilang kaalaman.
“Maaari natin silang gawing tutor, nurses o assistant sa mga health centers o bigyan ng maliit na pagkakakitaan at least kahit retired na sila, maaari pa ring mapakinabangan ang kanilang kaalaman at talino at ipaalam sa kanila na we still need you” pahayag ni Joy B.
Sinabi ni Joy na 3 hanggang 4 na oras ang ilalaang oras sa trabaho ng mga elderly tatlong beses isang linggo para hindi sila mapagod o kung anuman ang oras na naisin ng mga ito depende sa kanilang kagustuhan.
Kabalikat ng tulong sa mga matatanda ng QC ang pagbibigay ng palagiang libreng check -up at paglalaan ng murang gamot para sa kanilang kalusugan at nutrisyon. Bibigyan din umano ang mga ito ng karagdagang kaalaman kung paano pa maging productive kahit sila ay may edad na. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending