^

Metro

Malaysian national tinodas

-

MANILA, Philippines - Isang Malaysian national na pansamantalang nanu­nuluyan sa Muntinlupa City ang nasawi makaraang pag­sasaksakin ng isang lalaki na nagpakilalang “political leader” umano ni Mayor Aldrin San Pedro.

Namatay habang nilalapa­tan ng lunas sa Medical Center Muntinlupa ang biktimang si Christian James, 27, ng Phase 2 Blk. 2 Lot 3 NHA Housing, Pob­lacion sanhi ng mga ti­namong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang sus­pect na nakilala lamang sa alyas na “Danny Demonyo” na nagpapakilalang malapit umano sa ama ni Mayor San Pedro at kabilang sa kanyang mga poli­tical leader.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang krimen dakong alas-12:30 kamaka­lawa ng hapon sa Phase 3 Block 2 NHA Housing, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod. Nabatid na nakiki­pag-inuman ang bik­tima sa suspek at mga kapit­bahay na sina Joel Carabot, 20; Ray­mond Erador, 20; at Rudy Malate, 22.

Bigla umanong nagtalo ang dalawa hanggang sa sunud-sunod na undayan ng saksak ng suspek ang biktima bago mabilis na tumakas.

Ayon sa mga saksi, ipinag­ma­malaki pa umano sa kanila ng suspek na malakas siya sa pamilyang San Pedro dahil sa tao siya ng nakakatandang San Pedro at political leader ng mga ito.

Galit na ipinag-utos naman ni Mayor San Pedro sa pulisya ang agarang pag-aresto sa suspek kasabay ng pagtanggi na lider niya ito. Sinabi nito na halos lahat umano ay maaaring magmalaki na tauhan niya lalo na kung nag-iinuman. (Danilo Garcia)

CHRISTIAN JAMES

DANILO GARCIA

DANNY DEMONYO

JOEL CARABOT

MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

MAYOR SAN PEDRO

MEDICAL CENTER MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with