5-anyos utas sa ina

MANILA, Philippines - Nagawang pasla­ngin ng isang ina na pinanini­wa­la­ang na­wala sa ka­tinuan ang 5-anyos na anak nang pagsasaksa­kin ito, ha­bang dalawa pa nitong kaanak ang na­sugatan kamakalawa sa Taguig City.

Naaresto ng pulisya ang itinuturong salarin na si Annylyn Agutaya, ng Block 109, Lot 4, Sitio Imelda, Brgy. Upper Bi­cutan, Taguig.

Nakilala ang napas­lang na paslit na si Zyron Agutaya na nag­tamo ng saksak sa ka­ta­wan, ha­bang su­gatan naman ang biye­nan ng suspek na si Eufrocina Agu­taya, 60; at hipag nitong si Jennelyn Aguta­ya, 26.

Sa ulat ng Taguig City police, naganap ang pa­na­naksak da­kong alas-2:30 kama­kalawa ng hapon sa loob ng bahay ng mga Agutaya. Nasa ku­sina umano ang sus­pek nang ma­wala sa sarili, kumuha ng kutsilyo at agad na sinak­sak ang musmos na anak.

Mabilis din namang sinaksak ng suspek ang biyenang babae at hipag na nabigla sa pag-atake sa kanila. Agad namang naka-res­ ponde ang ibang mga kaanak kung saan na­awat ang suspek.

Sa imbestigasyon ng Taguig Women and Children’s Protection Desk, sinabi ni Chief Insp. Delia Jacob-Ingalla na wala pa sa sarili ang suspek maka­raang mag­luwal ng ika­lawa nitong anak isang linggo pa lamang ang nakararaan.

Ayon sa mga ka­sam­bahay ng suspek, naging sobrang tahi­mik ni Anny­lyn nitong Lunes ng umaga kung saan hindi man lamang su­masagot kahit tina­ta­nong nila. Bigo rin naman ang mga im­bestigador na maka­usap nang maayos ang sus­pek na naka­tulala la­mang o kaya ay bigla na lamang ngumingiti.

Dinala na ang sus­pek sa National Center for Mental Health sa Manda­luyong City upang ma­suri ito.

Show comments