Big projects sa Quezon City tatapusin bago mag-June 30

MANILA, Philippines - Nais ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. na ma­kumpleto ang lahat ng major infrastructure projects sa lung­sod bago matapos ang kanyang termino sa June 30.

Sa kanyang New Year’s message sa Quezon City Hall employees, sinabi ni Belmonte na mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaang lung­sod ang proyektong kailangan upang masiguro ang maayos na paninirahan at pagha­hanapbuhay sa lungsod.

Sa kasalukuyan, tinatapos na ang finishing touches sa pangalawang QC underpass sa Quezon Memorial Circle ka­bilang na ang pagsasaayos sa 26-hectare na Quezon Me­morial Circle (QMC) Park.

Pinasinayaan ni Mayor Bel­monte ang pangalawang under­pass noong Disyembre 23 na nag-uugnay sa Common­wealth gate ng QMC patungong Phil. Coconut Authority (PCA) build­ing. Naglalaan ang pamahala­ang lungsod ng halagang P86 milyon para sa konstruksyon ng tunnel na may habang 75 metro at luwang na 8 metro.

Ayon kay Belmonte, isa itong achievement ng lungsod na dapat ipagmalaki ng lahat.

Kabilang sa priority projects ng pamahalaang lungsod ng Quezon na tatapusin ang bagong medical center sa QC General Hospital (QCGH) na ayon kay Belmonte ay “one of the city government’s biggest vertical projects.”

Ang hospital building na itinayo sa three-hectare portion ng QCGH property sa Barangay Bahay-Toro ay bahagi ng pa­tuloy na pagnanais ni Belmonte na maihanay ang ospital sa mga world-class health care facility.

Show comments