Makilos na senior citizen hingi

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang mga senior citizen na magkaroon pa ng bagong misyon sa buhay upang maging pro­ duktibo­ pa rin kahit matatanda na. 

Sa pag­diriwang ng ika-198 birth anniversary ni Melchora Aquino na mas kilala bilang Tandang Sora, sinabi ni Belmonte na ang buhay ay hindi natatapos kung ang isang tao ay dumating na sa kanyang edad na pagiging senior citizen tulad ni Tandang Sora na nanindigan at luma­ban sa kabila ng kanyang edad noong pana­hon ng mga Kastila.

Sa ngayon, kabi­lang ang pama­halaang-lunsod ng Quezon City sa nagpa­nimula ng pag­bibigay ng trabaho sa mga senior citizen tulad ng pagiging caretaker ng mga daycare center, caregiver sa mga health center at tutor sa pam­pub­likong paaralan.

Show comments