^

Metro

DAHIL DAW SA KAHIRAPAN: Manghuhula sa Quiapo dumarami

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaba­hala si Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church sa pagdami ng  mga fortune tellers o manguhula sa paligid ng Minor Basilica of the Black Nazarene na indikas­yon tumitindi ang kahirapan sa bansa.

Ayon kay Ignacio, hindi maganda ang pagsusulputan ng mga fortune tellers sa paligid ng simbahan dahil labag sa katuruan ng Simbahang Kato­lika ang paniniwala sa hula at ang panghuhula.

Nabatid kay Ignacio na ang panghuhula ay isang uri  na rin ng panloloko na ginagawang  hanapbuhay upang makakuha ng kanilang ikabubuhay bunsod na rin ng kahirapan.

Sinabi ni Ignacio na hindi sila sang-ayon sa hula dahil ta­liwas ito sa paniniwala ng pub­liko kung saan hinuhulaan  ang mangyayari sa  kinabukasan.

Aniya iniimpluwensiya ng hula ang paniniwala ng isang tao kung saan pinipilit ang isang kasinungalingan  at nalilimita ang kalayaan ng tao.

Pinaaasa na lamang ng mga fortune tellers  ang mga naghahangad ng magandang pagbabago sa kanilang buhay.

Iginiit ni Ignacio na patuloy naman ang pagsisikap ng simbahan na mabigyan ng formation ang mga nagne­negosyo ng hula sa paligid ng Quiapo upang tuluyan itong makontrol.

Samantala, ipinagma­malaki ni Ignacio na ngayong taon ay kontrolado na ang may  80 hang­gang 90 porsiyento ng mga herbal vendors na nagbe­benta ng Cytotec sa paligid ng Quiapo Church. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

IGNACIO

MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

MONSIGNOR CLEMENTE IGNACIO

QUIAPO CHURCH

SHY

SIMBAHANG KATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with