^

Metro

'De-bote' bawal din: Alahas, cellphone at mga bata huwag bitbitin sa prusisyon - WPD

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni Manila Police District (MPD) Director C/Supt. Rodolfo Magtibay ang publiko na huwag nang magsuot ng alahas, mag­dala ng cellphone, mag­bit­bit ng mga bata upang makaiwas sa mga man­durukot, snatcher at dis­grasya sa pagdagsa ng milyong mamamanata ngayong araw na lalahok sa prusisyon ng Black Nazarene.

Bukod pa rito, bina­laan na rin ang mga lasing (de-bote) na de­boto ng Poong Naza­reno na huwag nang makisali sa prusisyon upang hindi magkaroon ng gulo at disgrasya na ibu­bunga ng pagiging lasing.

Kahit aniya, may 1,500 pulis ang ikakalat para uma­siste sa tradis­yunal na prusisyon, hindi pa rin ma­tu­tutukan ang lahat ng mga deboto lalo na sa mga petty crimes tulad ng pan­durukot.

Naniniwala na ma­aring dumoble ang kapal ng mga magtutungo sa Poong Nazareno na mag­mumula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at iba pang la­- lawigan, matapos ang sunud-sunod na kalami­dad na naganap noong 2009.

Magsisimula ang misa dakong alas-6 ng umaga na pamumunuan ni Manila Archbishop Gau­dencio Ro­sales  habang alas-7:30 ng umaga si­simulan ang pru­sisyon sa Quirino Grand­stand. (Ludy Bermudo)

BLACK NAZARENE

DIRECTOR C

LUDY BERMUDO

MANILA ARCHBISHOP GAU

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

POONG NAZA

POONG NAZARENO

QUIRINO GRAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with