^

Metro

'Isip-bata' tinarakan patay

-

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na sinasabing ‘autistic’ ang hinihi­nalang pinagtripang patayin ng di pa matukoy na salarin, habang papauwi sa kanilang bahay matapos maglaro sa isang internet shop, kahapon ng madaling-araw, sa Tondo, Maynila.

Patay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Aries Parcon, 25, binata na may pag-iisip na maiku­kumpara sa isang ‘paslit’, residente ng #2261 Ugbo st., Tondo. May nakapagsabi na ang suspek ay nakasuot ng sumbrero at brown na long sleeve shirt.

Sa ulat ni Det. Edgardo Ko ng Mnaila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa kahabaan ng Trinidad corner JP Rizal Sts., Tondo dakong ala-1:10 ng madaling-araw.

Naglalakad umano ang biktima na nakitang naki­kipagtalo sa suspek hanggang sa biglang tarakan ng huli ang una na humandusay sa lugar at saka iniwan ng suspek.

Nabatid sa pamilya ng biktima na mahilig lamang sa computer games ang nasawi at hindi naman umano perwisyo sa kanila ng pagiging isip-bata nito. (Ludy Bermudo)

ARIES PARCON

EDGARDO KO

ISANG

LUDY BERMUDO

MAYNILA

MNAILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NABATID

NAGLALAKAD

PATAY

RIZAL STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with