Pedicab driver dedo sa kapwa driver

MANILA, Philippines - Patay ang isang pedicab driver makaraang barilin ng kan­yang kapwa niya tsuper dahil lamang sa agawan sa pasahero sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Tyrone Mañalac, 24 ng Peria st., Barangay Tinejeros ng lungsod na ito. Arestado naman ang suspek na si Rolando Leviste, ng Bay Town, Brgy. Hulong Duhat ng lungsod pa ring ito.

Sa imbestigasyon ng Malabon City Police Criminal Investigation Division (CID), naganap ang insidente dakong alas- 9:00 ng umaga sa kahabaan ng Mejorada st., Brgy. Tinejeros.

Dala ng biktima ang kanyang pedicab at pagsapit sa na­banggit na lugar ay hinarang ng suspek at pinutukan.

Tatakas pa sana ang suspek subalit agad itong nadakip ng mga nagpapatrulyang mga pulis.

Lumalabas na agawan sa pasahero ang pinag-ugatan ng nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments