Security ni Judge Reyes mananatili kahit tapos na ang Ampatuan trial

MANILA, Philippines - Dahilan sa matinding banta sa kaniyang buhay, mananatili ang security escorts na iti­ nalaga kay Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes kahit matapos na ang paglilitis sa mga miyembro ng maim­plu­wensyang angkan ng mga Ampatuan na itinuturong utak sa Maguindanao massacre.

Sa panayam ng PNP Press Corps, sinabi ni Police Security and Protection Group Director, Chief Supt. Lina Sarmiento na hanggang may banta sa buhay ng huwes ay magtutuloy-tuloy ang 24/7 na deployment ng seguridad dito.

Ginawa ni Sarmiento ang pahayag kasunod ng pag-uumpisa kamakalawa ng pag­lilitis sa kasong multiple murder laban kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa Camp Crame.

Sinabi ng opisyal na tuluy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan kay Reyes para sa kaligtasan nito.

Binigyang-diin din ni Sar­miento na walang sagutin ang lady judge sa security details na itinalaga sa kanya at ang gas­tusin ay binabalikat ng PNP.

Ang pananatili ng mga security detail kay Reyes ay sa kabila ng pagtutol nito na big­yan siya ng proteksyon ng PNP. (Joy Cantos)

Show comments