3 nagmamando ng trapik niratrat

MANILA, Philippines - Tatlong traffic enforcers at dalawa pang sibilyan ang iniulat na nasugatan maka­raang paulanan ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang suspect ang mga una ka­makalawa ng hapon sa lung­sod Quezon.

Kinilala ang mga tinarget na traffic enforcers na sina Dar­win Polo, 30 ; Marlon Gulla, 31 at Bernardo Callosa, 27.

Nadamay din sa pama­maril ang mga commuters na sina Joseph Sollares, 33, messenger   at Roman Sy, 52, na tinamaan ng stray bullet.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na ang suspek ay nakasuot ng itim na jacket, puting helmet, at sakay ng isang motorsiklo nang pagba­barilin nito ang tatlong traffic enforcers sa may panulukan ng E. Rodriguez at Araneta Avenue pasado alas-5 ng hapon.

Sinasabing nagmamando ng trapiko ang tatlo nang biglang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ang mga ito.

Sinabi pa ng pulisya na posibleng may kinalaman sa kanilang trabaho ang naga­nap na pamamaril. Sa nga­yon, patuloy pa rin ang isina­sagawang imbesti­gasyon sa pangyayari. (Ricky Tulipat)

Show comments