^

Metro

P2-milyong mansanas hinaydyak

-

MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) kung may anggulong “hijack me” ang pagkakawala ng P2-milyong halaga ng mansanas na sinasabing tinangay ng anim na armadong kalalakihan sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Pansamantalang pinigil sa MPD-Anti-Carnapping Unit (ANCAR) ang driver at pahi­nante na humakot ng delivery, na kinilalang sina Reynaldo Olaes, 34 at Alberto Tolosa, 25, kapwa ng Tondo, Manila.

Nabatid na ang dalawa ay mga tauhan ng negosyanteng si Danilo Valencia, may-ari at ope­rator ng DVV Trucking, na tumayong complainant sa insidente ng hijacking.

Anim na armadong suspek ang   itinuturong humarang at tumangay ng mansanas na naka­sakay sa tractor head truck. Pawang nakasuot umano ng mga bull cap ang mga suspects. Sa ulat ni C/Insp. Randy Maluyo, hepe ng ANCAR, dakong 3:35 ng madaling araw nang ma­ga­nap ang insidente sa Road 10, Tondo, Maynila.

Sa naging salaysay nina Olaes at Tolosa, hinakot nila ang P2 milyon halaga ng mansanas mula Manila International Container Terminal (MICT) at ikinarga sa isang Isuzu Tractor (PXN 847) na may tractor head na nakatakdang ideliber sa Banzon warehouse, sa San Rafael St., Balut, Tondo.

Habang nasa Road 10 ay hinarang umano sila ng mga suspek, pinababa umano sila at isinakay sa isang kulay silver na Toyota Innova na walang plaka at iginapos ang kanilang mga kamay at ang 2 sa 6 na suspek ay sumakay sa tractor head upang mag-convoy.

Nang nasa C-3 na sakop ng Caloocan City ay na-flat umano ang gulong ng tractor head, pina­baba umano si Olaes at siyang inutusan na magpalit ng gulong kaya nakabiyahe pa sila hanggang sa Obando, Bulacan kung saan sila pinababa sa Navarette st. at iniwan sila habang tangay ng mga suspek ang mansanas.

Sinabi pa ng dalawa na nagtungo sila sa Obando Police Station subalit hindi umano iblinater ang kanilang reklamo bagkus ay binigyan lamang sila ng pamasahe ng pulis.

Sa panig ni Maluyo, duda siya sa mga salaysay ng dalawa kaya magsasagawa ng ocular inspection sa mga lugar na pinangya­rihan at sa Obando Police kung bakit hindi nai-blotter ang insidente.

Dagdag pa ni Maluyo, bukod sa hindi magkakatugma ang naging pahayag ng dalawa, si Tolosa ay may record sa MPD-Theft and Robbery Section (TRS) sa kasong pagna­nakaw. (Ludy Bermudo)

ALBERTO TOLOSA

ANTI-CARNAPPING UNIT

CALOOCAN CITY

DANILO VALENCIA

ISUZU TRACTOR

LUDY BERMUDO

MALUYO

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER TERMINAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with