^

Metro

Dahil sa problema sa asawa, Counselor naglason

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 46-anyos na guidance counselor ng isang paaralan ang na­matay nang uminom ng kemikal na liquid sosa sa kanyang ba­hay sa La Loma, Que­zon City kahapon.

Nakilala ang bik­tima na si Nenita Co­mo­da Pacdul, guidance counselor ng Osmeña High School at residente ng 114 Bolosan St., Brgy. Paang Bundok, La Loma.

Ayon kay PO2 Her­mogenes Capili ng Quezon City Police District, marital problem o problema sa asawa ang dahilan umano ng pagpapa­tiwakal ni Pacdul.

Sinabi ni Pacdul na lumilitaw sa pangu­nang imbestigasyon na merong hindi ma­pag­kasunduan sina Pacdul at asawa nitong si Agustin bago nag­lason ang biktima.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang ma­tag­puang patay na sa loob ng banyo sa ka­nilang bahay si Pacdul.

Sinabi ni Agustin na magkasabay pa silang natulog ng kanyang asawa hanggang sa paggising niya at mag­punta sa banyo ay bumulaga sa kanya ang naturang biktima na wala nang buhay at nasa tabi nito ang isang plastic na bote ng liquid sosa.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives, dahil sa ma­tindi ang kemikal, sumuka nang ilang ulit ang biktima bago tu­luyang nalagutan ng hininga.

vuukle comment

AGUSTIN

BOLOSAN ST.

HIGH SCHOOL

LA LOMA

NENITA CO

PAANG BUNDOK

PACDUL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with