Kwitis sinisi sa maraming sunog
MANILA, Philippines - Dapat nang ipagbawal ang kwitis o mga paputok na lumilipad.
Ito ang mungkahi ng Bureau of Fire Protection matapos na maging sanhi ito ng limang sunog na naganap sa Metro Manila sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay S/Supt. Pablito Cordeta, regional director ng BFP-NCR, mas tumaas ang bilang ng mga sunog sa pagpasok ng taon kumpara sa nakaraang selebrasyon dahil sa mga nasabing paputok.
Sinisi ni Cordeta ang pangyayari sa mga paputok na ginamit ng mga residente tulad ng kwitis.
Sa pag-analisa ni Cordeta, mas mausok ang pagsalubong sa 2010 at mas maraming dumadagundong at malalakas na paputok kumpara noong nakaraang taon.
Bukod dito, pinaalalahanan din ni Cordeta ang mamamayan na may natitira pang mga paputok na agad na basain ito at huwag ng itabi dahil baka ito pa ang maging sanhi ng trahedya.
Samantala, sa talaan ng BFP sa naganap na sunog noong nakaraang Decem ber 2009, umabot sa 447 fire incidents ang tumama sa bansa ng nasabing buwan na mas mababa mula sa 648 kaso na naitala sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending