^

Metro

Bangkay lumutang sa lagoon

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniimbesti­gahan ng pulisya ang pagka­matay ng isang maintenance crew ng Alabang Golf and Country Club makaraang ma­tagpuan ang bangkay nito na lumutang sa “lagoon” kama­kalawa ng umaga sa Mun­tinlupa.

Nakilala ang biktima na si Conrado Buenavidez, 53, empleyado ng naturang golf course, ng Mangga St., Lake­view Homes, Putatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Muntinlupa police, dakong alas-7:15 ng Huwebes ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng mismong pamilya nito na naghanap sa kanya makaraang lumutang sa “man-made lagoon” sa natu­rang golf course.

Nauna dito, naghinala ang mga kapamilya ni Buenavidez na posibleng may masamang nangyari dito nang hindi ma­kauwi sa kanilang bahay nitong Disyembre 30 na isang pista opisyal. Nagtungo naman ang mga ito sa golf club kung saan inumpisahan ang paghahanap hanggang sa makita ito na lumulutang sa lagoon.

Sa inisyal na teorya ng pu­lisya, maaari umanong na­dulas at naumpog ang ulo ng biktima sanhi upang malaglag at malunod sa lagoon. Hindi rin inaalis ng pu­lisya na ma­aaring nagkaroon ng foul play sa insidente kung saan inim­bitahan na ng pu­lisya ang mga tauhan ng golf club upang makunan ang mga ito ng pahayag. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALABANG GOLF AND COUNTRY CLUB

BUENAVIDEZ

CONRADO BUENAVIDEZ

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

HUWEBES

KASALUKUYANG

MANGGA ST.

MUNTINLUPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with