Naghagis ng paputok, Binata tinodas ng babae

MANILA, Philippines - Dahil sa panghahagis niya ng paputok, isang bi­ nata ang binaril at napatay ng isang babae na kanyang kapitbahay kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Patay na nang maipasok sa President Diosdado Ma­ca­pagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa baba ang biktimang si Jovert Saluday, 21, ng Phase 3, Dagat-Dagatan.

Nakakulong naman nga­yon sa Caloocan City Police ang suspek na si Vanessa Donato, 28.

Nauna rito, nanghagis ng paputok ang biktima at mga kaibigan nito sa tapat ng bahay ng suspek na naging dahilan upang sita­hin ito ni Donato at mga ka­sambahay nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo na naging dahilan upang magrambolan ang mga ito  hanggang sa bunutin ng ginang ang dalang baril at paputukan si Saluday.

Show comments