Bureau of Fire, umalerto sa sunog
MANILA, Philippines - Beinte-kuatro oras na magbabantay ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabilis na makaaksyon sa posibleng maganap na sunog sa pagseselebra ng Bagong Taon mamayang hatinggabi.
“Walang maglalasing, walang iinom,” ,ito ang paalala ni National Capital Region-Fire Chief Senior Superintendent Pablito Cordeta, sa kanyang mga tauhan upang manatiling alerto sa tawag ng kanilang tungkulin.
Ayon kay Cordeta, kailangang 30 segundo lamang ay nabagtas na ang kalsada at sa loob lamang ng limang minuto ay nasa crime scene na ang mga ito.
Samantala, pinaalalahanan din ni Cordeta ang mga opisyales ng mga barangay na i-activate ang kanilang Barangay Integrated Defense Action (BIDA) bilang pangunahing depensa laban sa sunog.
Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng improvised firefighting equipment tulad ng sandbags at drums na puno ng tubig.
Kaugnay nito, maaring tumawag ang sinuman sa hot line 117 ng DILG at o 4071230 at 7295166 kung may magaganap na sunog.
- Latest
- Trending