^

Metro

Mga baril ng pulis, sekyu sa QC sinelyuhan

-

MANILA, Philippines - Upang maiwasan  ang pag­­pa­paputok ng baril ng mga abu­sadong pulis sa pagsalubong sa Bagong Taon, personal na pina­ngu­nahan ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) at  ni QC Mayor Sonny Belmonte ang pag­selyo  sa service  firearms  ng mga ka­puli­san  sa lunsod pati na ang mga security guard  sa city hall.

Pasado alas-8 kahapon ng umaga, nang simulan nina QCPD Director Chief Supt. Elmo San Diego at mga depu­ties na sina Sr. Supt.  Her­nando Zafra, Sr. Supt. Audie Arroyo, at Sr. Supt. Clarence Guinto ang paglalagay ng masking  tape sa dulo ng mga baril ng mga ka­pulisan.

Sumunod nito ay sabay-sabay na nagtungo ang buong tropa ng QCPD sa Quezon City hall upang makiisa naman sa gagawing paglalagay ng tape ni Mayor Belmonte sa mga ser­vice firearms ng mga security guard  na nakatalaga  dito.

Ayon kay Belmonte, taun-taon ay ginagawa nila ang ga­nitong sistema ang pagla­lagay ng tape sa mga baril ng ka­pulisan lamang, ngunit ngayon ay isinabay na nila ang mga security guard.

Kasunod nito, nanawagan  din ang alkalde sa mga  secu­­rity  agencies sa lahat ng esta­bli­s­imento sa lungsod na gawin ang ganitong sistema para na rin sa kapakanan ng nakaka­ra­ming mamamayan na ma­sayang sasalubong sa pagpa­palit ng taon.

Nilinaw naman ng alkalde, na bagama’t naselyuhan ang mga baril ng mga ito ay hindi nangangahulugan na hindi na nila maaring gamitin ito, lalo na kung may naka-ambang pa­nganib at paglaban sa mga kriminal na nagbabadyang maghasik ng kaguluhan sa lungsod.

Samantala, nanawagan naman sa publiko si San Diego na tumawag  sa 925-8417 / 4743106 / 0915-2581066 kapag may nakita silang mga tauhan ng PNP,  security guard at si­bilyan na nagpaputok ng baril sa pag­salubong  sa Bagong taon. (Ricky Tulipat)

AUDIE ARROYO

BAGONG TAON

CLARENCE GUINTO

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELMO SAN DIEGO

MAYOR BELMONTE

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with