^

Metro

Mister pumalag sa holdap tinodas

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper matapos pumalag ang una sa mga huli sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Nova­liches General Hospital sanhi ng tama ng bala sa sentido si Her­minildo Acebuche, 52, ng Phase 4, Deparo ng lungsod.

Ayon sa inisyal na imbesti­gas­yon ng pulisya,naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang bumibili ng gamot ang biktima kasama ang asawang si Marichu sa TPM Pharmacy sa Cabatuan Road, Deparo nang lapitan ng mga suspek at magdeklara ng holdap.

Nang kukunin ng mga suspek ang bag ni Marichu ay biglang pumalag ang biktima na naging dahilan upang barilin ng isa sa mga suspek bago tumakas tangay ang bag ng ginang na naglalaman ng cell­phone at hindi pa batid na ha­laga ng pera. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACEBUCHE

AYON

CABATUAN ROAD

CALOOCAN CITY

DEPARO

GENERAL HOSPITAL

LORDETH BONILLA

MARICHU

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with