^

Metro

Tulong pinansiyal, burial site sa mga bumbero

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na bibigyan ng financial assistance at magla­laan ng burial site sa lahat ng miyembro ng Association of Philippine Fire Volunteers Bri­gades, Inc. (APFVBI) na masa­sawi dahil hindi biro ang ka­nilang ginagawa.

Ayon kay Lim, inatasan na niya ang kanyang chief of staff na si Ric de Guzman na hana­pin ang pamilya ng isang fire volunteer na namatay habang gumaganap sa kanyang tung­kulin sa naganap na malaking sunog sa Oroqueta St.sa Maynila.

Bukod sa financial at burial site,sinabi ng alkalde na bukas din ang lahat ng pinatatakbong hospital ng lokal na pama­halaan ng Maynila sa sinu­ mang fire volunteer na masa­saktan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa kanyang pagharap sa   mga ito sa pangunguna ni APFVBI President Francisco Guevarra, sinabi nito na bukas ang palad ng lokal na pa­ mahalaan ng May­nila sa mga ‘unsung heroes’ ng siyudad.

Sinabi ni Lim na posibleng lumaki pa ang sunog kung walang mga fire volunteers na tumulong sa mga bumbero na nagresponde sa sunog. Aniya, hindi matatawaran ang ma­agap na pagdating ng mga ito at ang pagtalon mula sa ka­nilang fire truck para ma­apula ang apoy. (Doris Franche)

ANIYA

ASSOCIATION OF PHILIPPINE FIRE VOLUNTEERS BRI

AYON

BUKOD

DORIS FRANCHE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

OROQUETA ST.

PRESIDENT FRANCISCO GUEVARRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with