Kelot sabog ang ulo sa kaaway

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang lalaki nang barilin ito ng kan­yang kaaway ilang minuto pa lamang ang nakalilipas   mata­pos ang kapaskuhan kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng baril sa ulo ang biktimang si Joven Gorque, 24, at residente ng Phase II Unit 1838 Pilot Area, Brgy. Common­wealth, Quezon City, samanta­lang patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang itinuturong suspek sa krimen na isang nag­ngangalang Roger Flores.

Sa pagsisiyasat, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa tapat ng Building 18 Phase II Pilot Area, Barangay Common­wealth, Quezon City.

Ayon sa saksi, kalalabas pa lamang ng bahay ang biktima nang salubungin ng suspek at agad na binaril ito sa ulo.

Matapos ang isinagawang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspect.

Sa inisyal na ulat, dati na umanong may hidwaan ang dalawa.Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Angie dela Cruz)

Show comments