^

Metro

Lasing nakipagtalo sa parak, natodas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na lalaking nasa im­pluwensya ng alak maka­ra­ang apat na beses bari­lin ng isang pulis sa isang pagtatalo ilang minuto bago sumapit ang Pasko, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Richard Mangunay, ng #307 G. Villanueva Street, ng naturang lungsod.

Sumuko naman ang suspek na si PO3 Jose Sa­lazar, 41, nakatalaga sa District Mobile Forces ng Southern Police District at residente ng #173 Interior M. Santos, ng naturang lungsod.  Isinuko rin nito ang kalibre .9mm Beretta service pistol na gamit sa pamamaril.

Naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng ma­daling-araw sa tapat ng bahay ng biktima sa G. Villa­nueva Street. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa mga kapitbahay nang huminto ang isang kotse na lulan ang kaibigan nito at nakipagkuwen­tuhan.

Nabatid naman na nasa likod ng kotse ang owner-type jeep (TRF-487) na minamaneho ni Salazar kasama ang isang babae kung saan hindi ito maka­daan sa makipot na kal­sada dahil sa pagkaka­bara. Dito bumusina ang pulis ngunit hindi ito pinan­sin ng driver ng kotse sanhi upang bumaba si Salazar at komprontahin si Ma­ngunay.

Isang pagtatalo ang sumiklab na agad din namang naawat ng mga barangay tanod.  Nang umalis na ang kotse, paalis na rin umano sana si Sa­lazar nang muling lapitan ng lasing na si Mangunay at nakipagtalo pang muli sanhi upang mag-init ang ulo ng pulis, magbunot ng kanyang baril at sunud-sunod na paputukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang pulis ngunit sumuko rin naman sa kanyang hepe na si Pasay chief of police, Sr. Supt. Raul Petra­­santa kung saan ikinatwiran nito na idi­ni­pensa lamang niya ang sarili. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DISTRICT MOBILE FORCES

INTERIOR M

JOSE SA

NABATID

PASAY CITY

RAUL PETRA

RICHARD MANGUNAY

SALAZAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with