P764-M cocaine at shabu sinunog ng PDEA
MANILA, Philippines - Sinunog sa head quarter ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 85.87 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P500 milyon at 66 kilograms ng high grade cocaine bricks na nagkakahalaga ng P264 milyon na pinangunahan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Dir. General Dionisio Santiago ng PDEA.
Ayon kay Santiago, ang nasabing kilu-kilong shabu at high grade cocaine bricks na umaabot sa P764 milyon o mahigit kalahating bilyong piso ay pawang natagpuan ng mga operatiba ng PDEA sa tabing-dagat ng Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora Province at Brgy. 7 Maydolong, Eastern Samar ayon sa pagkakasunod.
Dakong ala-1:45 ng hapon nang silaban ang mga nasamsam na ilegal na droga sa General headquarters ng ahensiya sa NIA Road, Brgy. Piñahan, Quezon City.
Magugunitang narekober ng mga ahente ng PDEA ang nasabing shabu sa isinagawang interdiction operations sa Barangay Matawe, Dingalan, Aurora dakong alas-11:45 ng gabi ng Disyembre 21, 2009.
Kasunod naman nito, natagpuan sa tabing-dagat ng mga mangingisda ang may 66 kilos ng high grade cocaine bricks na nakalagay sa 18 piraso ng kahon sa tabing-dagat sa Brgy. Minaanod Llorente, Eastern Samar. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending