^

Metro

Pulis, 3 pa timbog sa bigong holdap

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Nadakip ang apat na miyembro ng isang holdup gang, kabilang ang isang aktibong pulis, isang driver umano ng chief of police ng Pampanga at 2 pang ka­sa­mahan, na pawang ar­mado ng mga baril habang   nagpaplano ng pangho­hol­dap sa tapat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) building, Anda Circle, Bo­ni­facio Drive, Ermita, May­nila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nada­kip na sina PO1 Richard Tiamzon, 32, nakatalaga sa Angeles City (Pam­panga) Police Station; Johnny Sioco alyas “John”, 43, ng Magsaysay Village, Tondo, Maynila; Clemente Cervantes alyas “Enteng” 32, ng Kabulusan St., Ca­loocan City at ang sinasa­bing driver ng chief of police sa Masantol Pam­panga na si Christian Viray alyas “Cris” at “Archie”, 29, ng Angeles City.

Nakumpiska sa mga ito ang isang Glock caliber .40; caliber .45; Squires Bingham .38 caliber re­volver at isang caliber .38 revolver “paltik” na pa­wang kargado ng bala at extra magazines ng bala; packaging tapes, na hini­hinalang gagamitin sa tinatarget na holdapan; isang (1) unit Galant V6 na kulay gray na may plakang TMN-318, na sinasabing pag-aari ng isang police colonel ng Floridablanca, Pampanga.

Sa beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO), hindi pa umano nare-renew ang regis­tra­tion ng kotse sa unang may-ari na isang Alvin Valerio ng Yakal St. na huling na­irehistro noong 2008.

Sa ulat ni C/Insp Ni­colas Pinon, hepe ng Intel­ligence Operations ng DSPU, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa presensiya sa Bonifacio Drive ng nasabing sasak­yan, na may lulang apat na lalaki, na kahina-hinala ang kilos at may mga sukbit pang baril.

Agad namang nagtu­ngo sa erya ang grupo ni Maj. Pinon. Napuna na­man ni PO2 Manuel Pi­mentel at PO3 Edgardo Perez na nakalabas ang baril ni Viray habang nani­nigarilyo at nakahimpil ang sasakyan kaya unang si­nita at hinanapan ng re­histro ang sasakyan.

Dahil sa kabiguang mag­prisinta ng mga ka­ukulang papeles ay inim­bitahan sila sa himpilan ng pulisya at agad na sinam­pahan ng kasong pag­labag sa Traffic Violation of Delinquent Registration at paglabag sa Presidential Decree 1866 (amended by RA 8294) Illegal Posses­sion of Firearms and Live Ammunitions kay Assistant City Prosecutor Marilou Villanueva.

Sa ulat, ang grupo ay patungo sana sa Batangas City upang holdapin ang isang negosyanteng mag­ba-baboy at ang planong holdap ay may ‘basbas’ umano ng isang police co­ lonel at isang police major.

vuukle comment

ALVIN VALERIO

ANDA CIRCLE

ANGELES CITY

ASSISTANT CITY PROSECUTOR MARILOU VILLANUEVA

BATANGAS CITY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHRISTIAN VIRAY

CLEMENTE CERVANTES

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with