^

Metro

MMDA traffic enforcers sa kalsada magpa-Pasko

-

MANILA, Philippines - Magpa-Pasko sa kalsada ang ilang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ma­tapos na ilagay sa alerto ang ka­nilang puwersa upang maban­tayan ang daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan.

Sa inilabas na “holiday traffic scheme” ni Chairman Oscar Ino­centes, pinahaba ang oras ng trabaho ng mga enforcers ng hanggang hatinggabi o kung ka­kailanganin ay maaaring umabot ng alas-2 ng madaling araw.

Karaniwang ang dalawang shift ng mga enforcers sa kal­sada ay mula alas-6 am- 2pm at 2pm-10pm ngunit pinalawig ito ngayong panahon ng Ka­pas­kuhan. Inaasahan na magi­ging masikip na rin ang daloy ng tra­piko dahil sa mga magha­habol ng bibili ng panregalo o iyong mga nagki-Christmas rush.

Nakaalerto naman ng 24 na oras ang mga tauhan ng Rescue and Road Emergency Group upang makaresponde agad sa anumang uri ng aksidente o tra­hedya na maaaring maganap habang nagmamadaling maka­punta sa kanilang kaanak o makauwi ang mga motorista.

Sinabi naman ni Traffic Ope­rations Center executive di­rector Angelito Vergel de Dios na nagdagdag pa sila ng 500 enforcers buhat sa dating 2,000 tauhan ngayong Kapasku­han. Kabilang din sa kanilang ba­ban­tayan ang mga inaantok na mga motorista na kanilang pipiliting parahin at patabihin upang ma­iwasan ang mga aksidente. (Danilo Garcia)

ANGELITO VERGEL

CHAIRMAN OSCAR INO

DANILO GARCIA

DIOS

INAASAHAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

RESCUE AND ROAD EMERGENCY GROUP

SHY

TRAFFIC OPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with