^

Metro

3 bagets sugatan sa gang war

-

MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong tin­edyer na lalaki makara­ang pag­babarilin at saksa­kin ng mga miyembro ng kalabang gang matapos mag-Simbang Gabi sa Baclaran Church kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nagpapagaling sa Pa­say City General Hospital ang mga biktimang itinago sa pangalang Jay-jay, 16, Mac-Mac, 15, at DJ, 15; na nagtamo ng mga tama ng bala at saksak sa kanilang mga katawan.

Nabatid na pawang mga miyembro ng gang na Pinoy Ruth­less Mobsta (PRM) ang mga umano’y isa sa kaaway ng notoryus gang na “True Brown Style (TBS)” na pinamumunuan ng nakila­lang isang Randy Aldea, residente ng 5994 Sitio San Juan, Parañaque City.

Sa ulat ng Pasay po­lice, na­ganap ang karaha­san dakong alas-5 ng ma­daling-araw sa ilalim ng Light Rail Transit-Bac­laran station sa may Taft Ave­nue, Baclaran. Na­batid na ka­ga­galing lamang umano sa Sim­­bang Gabi ng grupo ng mga biktima nang hara­ngin ng mga suspek. Hindi umano naka­porma ang mga biktima dahil bukod sa armado ng baril at patalim ang mga kalabang gang, mistulang pinaghandaan ng mga ito ang kanilang pag­daan sa naturang lugar.

Napag-alaman na pa­wang mga “rapper” ang mga binatil­yong sangkot sa riot at nagsi­mula ang kanilang alitan nang talu­nin ng grupo ng PRM sa isang rap contest ang TBS. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BACLARAN CHURCH

CITY GENERAL HOSPITAL

DANILO GARCIA

LIGHT RAIL TRANSIT-BAC

PASAY CITY

PINOY RUTH

RANDY ALDEA

SHY

SIMBANG GABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with