Nangotong, binoga

MANILA, Philippines - Isang binata ang na­sawi habang nasa kritikal na kondisyon ang kaibi­gan nito matapos pagba­barilin ng kanilang kino­kotongan kamakalawa sa Caloocan City. 

Namatay sa Manila Central University Hos­pital sanhi ng tama ng bala sa likod at leeg si Joey Bautista, 36, ng General Tirona st., Ba­gong Barrio ng naturang lunsod.

Ginagamot na­man sa nasabing ospital sanhi ng tama ng bala sa kata­wan si Ronnie Bagasala, 37, at kapitbahay ng na­sawi.

Pinaghahanap na­man ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Toyo”, ka­lugar ng mga biktima. Umiinom ang mga bik­tima nang mamataan ang suspek na bumibili ng tinapay sa isang tin­dahan. Agad na nilapitan ng biktima ang suspek at hinihingan ng P50 upang ipang-inom.

Hindi nagbigay ang biktima kaya bumunot ng patalim ang mga suspek at hinabol ng saksak ang una na mabilis na naka­takbo sa kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang sus­pek at walang sali­tang pinutukan ang mga bik­tima bago tumakas. (Lordeth Bonilla)

Show comments