^

Metro

Swede na wanted sa Denmark timbog sa Im­migration Interpol

-

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ele­mento ng Bureau of Im­migration (BI)-Interpol Unit at Philippine Center for Transnational Crimes ang isang Swedish national na pinaghahanap ng awtori­dad sa Denmark sa pag­na­nakaw sa isang Danish bank ng mahigit US$10 million.

Sa kanyang ulat kay Immigration Commis­sioner Marcelino Liba­nan, kinilala ni BI-Interpol unit chief Floro Balato Jr. ang Swede na si Lukas Hassel­gren, 37.

Sinabi ni Balato na na­huli si Hasselgren kama­kailan sa labas ng kan­yang condominium sa Adria­tico Place, Tower II, sa Adria­tico St., Ermita, Manila.

Pagkatanggap ng ulat ng Interpol, agad iniutos ni Libanan ang pagsasa­gawa ng deportation pro­ceedings laban sa pu­gante upang maipa-deport ito sa Sweden at Denmark upang malitis.

Ayon sa Swedish em­bassy, si Hasselgren ay primary suspect sa rob­bery sa Denmark kung saan isang security cash centre ay natangayan ng mahigit 60 million Danish crowns (may katumbas na 10,080,000).

Si Hasselgren ay latest sa ilang pugante na nahuli ng BI operatives mula nang itatag ng ahensiya ang sarili nitong BI Intepol unit sa pagsisimula ng taon.

ADRIA

BUREAU OF IM

FLORO BALATO JR.

HASSELGREN

IMMIGRATION COMMIS

INTERPOL UNIT

LUKAS HASSEL

MARCELINO LIBA

PHILIPPINE CENTER

SHY

SI HASSELGREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with