Nakikipag-karera kasi: Bus salpok sa poste: 40 pasahero sugatan

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikipag-karera para makakuha ng pasahero, muntik nang malagay sa alanga­nin ang buhay ng 40 pasahero kabilang ang driver ng isang pampasa­herong bus makaraang sumalpok ito sa isang kongkretong poste ma­tapos mawalan ng kon­trol habang nakikipagka­rera sa isa pang bus sa North EDSA sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, dahil sa malakas na pagkaka­salpok, pumagitna ang kongretong poste sa nasabing bus na naging sanhi upang masugatan ang 40 pasahero kasama ang driver ng bus na si Florante Uy, ng Pili St., Talanay Village, Ba­tasan Hills sa lungsod.

Ang mga nasabing pasahero ay nagtamo ng mga sugat at galos sa kanilang mga ulo at ka­tawan kung saan lima sa mga ito, kabilang ang driver na si Uy ay nasa malubhang kalagayan.

Sa ulat, pasado alas-8 ng umaga nang mang­yari ang insidente sa   ka­habaan ng EDSA.

Ayon sa ilang saksi, ma­bilis umanong tina­tahak ng BOTSC bus transit (NCZ-761) ang ka­haba­an ng EDSA dahil nakiki­pagkarerahan ito sa isa pang bus nang pagsapit sa bus lane area ay na­gitgit ang una da­hilan para mawalan ito ng giya at dumiretso sa poste ng mall.

Ayon sa pulisya, po­sibleng nag-uunahan sa pagkuha ng pasaherong nasa loob ng nasabing mall ang dalawang bus kung kaya nagkarerahan ang mga ito.

Show comments