Agnas na bangkay sa condo natagpuan

MANILA, Philippines - Isang naagnas na bangkay ng isang lalaki ang natagpuang naka­bitin sa loob ng kanyang tinutuluyang condo­minium sa Brgy. Fairview, Quezon City kama­kalawa.

Ang biktima ay kinila­lang si Romeo de Jesus, 32, walang trabaho, na­nunuluyan sa room 4244 Villa 4, Cluster 2, Sunny Villas condominium, Pearl St., Brgy. Fairview.

Nakuha sa lugar ang isang kahong naglala­man ng 16 na blangkong plastic sachet na may residue ng pinaniniwala­ang shabu, dalawang rolyo ng aluminum foil, 17 aluminum plastic strips at 4 na disposable lighter.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, ganap na alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Alberto Alo, care­taker ng nasabing condominium, habang nakabitin ito sa kanyang tinutuluyan. (Ricky Tu­lipat)

Show comments