3 lady Indons tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Tatlong Indonesians national ang naaresto ng tropa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa buy-bust operation at na­samsam sa mga ito ang drogang nagkaka­halaga ng P12-milion, ayon sa Philippine National Police kahapon.

Kinilala ni Chief Supt. Leonardo Espina, taga­­pagsalita ng PNP, ang mga suspek na sina Mag­dalena Ridwhan, Mary Ridwhan, at Secilia Ridwhan na pawang mga Indonesian nationals­.

Ayon kay Espina, naaresto ng tropa ng Special-Operation Unit 1-AIDSOTF sa pamumuno ni Deputy Director General Jefferson Soriano ang mga suspek sa may Eduque St. corner Ma­kati Avenue, Makati City kamakalawa ng gabi.

Nakumpiska sa kanila ang anim na pakete ng plastic na pinaniniwalaang shabu at tumi­timbang ng 1.5 kilograms.

Ayon kay Espina, ang nasabing droga na may street value na P12 million ay nasa kus­todiya na ng PNP headquarters.

Show comments