3 lady Indons tiklo sa droga
MANILA, Philippines - Tatlong Indonesians national ang naaresto ng tropa ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa buy-bust operation at nasamsam sa mga ito ang drogang nagkakahalaga ng P12-milion, ayon sa Philippine National Police kahapon.
Kinilala ni Chief Supt. Leonardo Espina, tagapagsalita ng PNP, ang mga suspek na sina Magdalena Ridwhan, Mary Ridwhan, at Secilia Ridwhan na pawang mga Indonesian nationals.
Ayon kay Espina, naaresto ng tropa ng Special-Operation Unit 1-AIDSOTF sa pamumuno ni Deputy Director General Jefferson Soriano ang mga suspek sa may Eduque St. corner Makati Avenue, Makati City kamakalawa ng gabi.
Nakumpiska sa kanila ang anim na pakete ng plastic na pinaniniwalaang shabu at tumitimbang ng 1.5 kilograms.
Ayon kay Espina, ang nasabing droga na may street value na P12 million ay nasa kustodiya na ng PNP headquarters.
- Latest
- Trending