Kelot todas sa 2 pasaway

MANILA, Philippines - Masaklap ang naging ka­matayan ng isang lalaki ma­karaang kursunadahin ng kanyang mga kalugar na nakipag-inuman pa sa kanila kamakalawa sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Mar Santos, 39, mekaniko. Tinu­tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Domingo Bernardo at Walter Cuyugat residente rin sa lugar.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr., hepe ng Quezon City Police Homi­cide, ang insidente sa isang covered court.

Nakiki­pag-inuman ang biktima ka­sama ang kanyang kaibigan na sina Mark at Arthur nang dumating si Bernardo at ini­yabang nito ang dalang baril na kalibre 38 bago umalis ma­karaan ang ilang minuto.

Maya-maya lamang bu­malik si Bernardo at kasama na si Walter at sa hindi ma­lamang dahilan inupakan ng dala­wang beses ang biktima. (Angie dela Cruz)

Show comments