^

Metro

Batang kalye dumarami

-

MANILA, Philippines - Ikinabahala ng mga opis­yal ng Manila City hall ang pag­dami ngayong Kapasku­han ng mga ba­tang nanga­ngaroling at namamalimos sa mga kalsada na lubhang mapa­nganib sa mga ito.

Ayon kay City Admi­nis­trator Jesus Mari Marzan, nakikipag-ugnayan na ang kanilang Manila Social Wel­fare Department sa national government upang mapigilan ang paglaganap ng mga na­ngangaroling at namama­limos na mga ba­tang nasa edad 10-anyos pababa.

Sinabi ni Marzan na na­ka­lulungkot ang ga­nitong sitwas­yon subalit gumagawa pa rin ng pa­raan ang pa­mahalaang-lunsod sa pama­magitan ng pagkuha sa mga ito at dina­dala sa MSWD na pinamu­munuan ni Jay dela Fuente.

Iginiit ni Marzan na ang mga magulang ang may res­ponsibilidad sa mga batang namamalimos dahil hindi dapat na pinababayaan ang ka­nilang mga anak sa lan­sangan.

Nabatid naman kay dela Fuente na pansamantala nilang kinukupkop ang mga batang namamalimos at nangangaroling sa Reception and Action Center at pinaka­kain at saka ipatatawag ang mga magulang at kakausapin hinggil dito.

Inamin ni dela Fuente na pa­ulit-ulit na lamang ang problema dahil mismong mga magulang ang siyang nag-uutos sa kanilang anak na mamalimos at mangaroling.

Bagama’t may ordinansa para dito, hindi naman ito ma­higpit na maaaring ikabawas ng mga namamalimos. (Doris Franche)

CITY ADMI

DORIS FRANCHE

FUENTE

JESUS MARI MARZAN

MANILA SOCIAL WEL

MARZAN

RECEPTION AND ACTION CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with