^

Metro

Nobyo tinodas ng nobya sa Christmas Party:Bakit ako pa?

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - “Bakit ako pa? Bakit ako pa?”

Ito ang naghihinagpis na tanong ng 29 anyos na dalagang si Catherine Latayan makaraang mapatay niya ang kanyang 26-anyos na nobyong si Harold Gomez habang dumadalo sila sa isang Christmas Party sa Taguig City Hall kahapon ng madaling-araw.

Ang magkasintahan ay kapwa empleyado rin ng pamahalaang-lokal ng Taguig.

Wala nang buhay nang maisugod sa Medical City Hospital si Gomez na nagtamo ng saksak ng patalim sa kanyang leeg.

Kasalukuyang nakakulong sa Taguig City Police detention cell si Catherine Latayan na residente rin ng Lower Bicutan, Taguig City.

Sinabi ng pulisya na naganap ang trahedya habang isinasagawa ang isang Christmas Party sa city hall na nasa kahabaan ng Gen. Luna St., Barangay Tuktukan sa naturang lunsod.

Magkasamang dumalo sa Christmas party ang mag­ka­­sintahan subalit, sa gitna ng kasiyahan, nagkaroon ng ma­initang pagtatalo ang dalawa.

Hinihinala ng pulisya na selosan ang sanhi ng pagta­talo nina Latayan at Gomez.

Sa pagtatalo ng dalawa, naitulak ni Gomez si Latayan na ikinairita ng huli.

Nang makahagilap ng patalim si Latayan ay inun­dayan niya ng saksak si Gomez na ikinamatay nito.

Sumuko naman ang dalaga sa pulisya at labis nitong pinag­sisihan ang kanyang ginawa sabay na sinambit ang katagang “mahal na mahal ko po ang nobyo ko kaya hindi ko akalain na magagawa ko iyon sa kanya, bakit ako pa, bakit ako pa?”

BAKIT

BARANGAY TUKTUKAN

CATHERINE LATAYAN

CHRISTMAS PARTY

GOMEZ

HAROLD GOMEZ

LATAYAN

LOWER BICUTAN

LUNA ST.

MEDICAL CITY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with