BFP umalerto sa mga sunog
MANILA, Philippines - Inilagay na sa full alert ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang hanay bilang paghahanda sa posibleng sunog na magaganap ngayong holidays.
Dahil sa nasabing pag hahanda, walang magiging days-off ng mga bumbero simula December 24, 25 at 31, hanggang January 1, 2010.
Ayon kay National Capital Region Fire Marshall Senior Superintendent Pablito Cordeta, inaasahan na tataas ang insidente ng sunog sa nasabing mga petsa dala na rin ng mga selebrasyon kung saan gumagamit ang ilang residente ng paputok, gayundin ang overloading ng paggamit ng kuryente sa nasabing mga araw.
Sa mga susunod na araw, ang tropa ng BFP ay masisimulang mag-ikot sa Metro Manila para ma ngampanya laban sa paggamit ng paputok at bigyan na rin ng tip ang mga ito sa wastong pamamaraan ng paggamit nito.
Maging ang mga malls ay sisiyasatin ng BFP para sa mga materyales na madaling masunog, at tignan kung ang fire escape dito ay maayos. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending