^

Metro

Ivler hawak ng maimpluwensiyang grupo

-

MANILA, Philippines - Nasa bansa pa at kina­kanlong ng maimpluwen­syang grupo si Jason Ivler, ang umano’y killer ng anak ng Malacañang official, kung kaya nagiging ma­dulas ito sa batas at pa­tuloy na nakapagtatago.

Ito ang sinabi ni Senior Supt. Audie Arroyo, deputy chief ng QCPD, makaraan ang pagkabigong makuha si Ivler nang salakayin ang tatlong bahay na pinani­niwalaang kinaroroonan nito sa # 23 at # 63 Hillside Drive sa Blue Ridge A. Village sa lungsod kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay Arroyo, ang na­turang maimplu­wen­syang grupo ang sina­sa­bing nagta­tago kay Ivler, base sa pa­hayag umano ng kanyang inang si Mar­lene Aguilar. Hindi naman tinukoy ni Arroyo kung anong grupo ang nasabing may hawak dito.

Gayunman,dagdag ng opisyal, magsasagawa pa rin sila ng pagsisiyasat ka­ugnay sa pahayag ng ginang upang mapatuna­yan nila kung tutuo ang nasabing alegasyon.

“We are verifying a state­ment made by Ivler’s mother, Marlene Aguilar-Pollard, that her son is in the custody of influential people,” sabi ni Arroyo.

Bukod dito, may kaka­ya­han din umanong ma­ging agre­sibo at mabilis sa pag­takas si Ivler dahil nag-training umano ito sa US Army bilang reservist.

Bitbit ang warrant of arrest sa kasong homicide case na isinampa laban sa kanya noong 2004, sinala­kay ng QCPD kamakalawa ng gabi ang tatlong bahay sa Hillside Street, Blue­ridge Subdivision A sa lungsod. Ngunit, tulad ng dati, nabigo ang tropa na ma­kuha si Ivler. (Ricky Tulipat)

AUDIE ARROYO

BLUE RIDGE A

HILLSIDE STREET

IVLER

JASON IVLER

MARLENE AGUILAR-POLLARD

RICKY TULIPAT

SENIOR SUPT

SHY

SUBDIVISION A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with