^

Metro

2 na namang sasakyan kinarjack sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Mistulang nabalewala ang pinaigting na seguridad ng tropa ng Quezon City Police matapos na umatake ang grupo ng carjackers  sa magkahiwalay na insidente ilang minuto lamang ang pagitan, iniulat kahapon.

Ayon sa report, unang tinangay ng mga car­jackers ang isang Toyota Fortuner (NAO-906) na pag-aari ng isang Arnel Limpin na mata­­­ tagpuan sa West Fairview ganap na alas-11 ng gabi.

Ayon kay Limpin, kabababa lamang niya ng kanyang sasakyan para buksan ang gate ng kanilang bahay ng harangin siya ng isa sa tatlong suspek habang ang isa ay agad na sumakay sa kanyang sasakyan at tangayin ito.

Sinasabing ang mga suspek ay may back- up na Sedan at mabilis na itinakas ang sasak­yan patungo sa Regalado Avenue, na ginaga­mit na short-cut patungong Caloocan City at probinsya ng  Bulacan.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ma­tapos tangayin ang sasakyan ni Limpin, isang bagong Nissan Escapade na pag-aari ng negos­yanteng si Adelio Cortes ang tinangay naman sa may Albay St. sa Bago Bantay.

Diumano, nakaparada ang sasakyan ni Cortes sa harap ng kanyang hardware sa natu­rang lugar nang magulat siya nang biglang makita na minamaneho na ito ng hindi naki­kilalang kalalakihan. Tinangka niyang habulin ngunit mabilis na humarurot ang sasakyan papalayo sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, posibleng iisang grupo lamang ang sangkot sa nabanggit na insi­dente na nakabase sa probinsya ng Bulacan.(Ricky Tulipat)

ADELIO CORTES

ALBAY ST.

ARNEL LIMPIN

AYON

BAGO BANTAY

BULACAN

CALOOCAN CITY

NISSAN ESCAPADE

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with